Bigyan ng 2nd Chance ang paglalaro mo Bigyan ng 2nd Chance ang paglalaro mo

Ang iyong ticket sa
mas maraming paraan para manalo.
Ang iyong ticket sa
mas maraming paraan para manalo.

2ND CHANCE - More Ways to Win!

Magkaroon ng panibagong pagkakataon na manalo ng cash at mga premyong may bonus at mga promo na draw. Ang kailangan mo lang para makapagsimula ay isang Lottery account.

Paano Gumagana ang 2nd Chance

Mag-log in Aking Account at isumite ang 2nd Chance code sa iyong karapat-dapat na SuperLotto Plus®, hindi nanalong Scratchers®, o $5 o higit pa Fantasy 5 na ticket. Kung wala kang account, ilang minuto lang ang aabutin para magrehistro. Sa sandaling rehistrado na, maaari mo rin i-scan ang code mo sa 2nd Chance gamit ang Lottery mobile app. Ganoon lang kadali! Narito kung paano ito gumagana para sa bawat laro:

SuperLotto Plus 2nd Chance

Binibigyan ka ng ticket mo ng isa pang pagkakataon na manalo ng $15,000 sa isang lingguhang draw. Bawat Ang $1 na ginagastos mo sa isang ticket ay nagbibigay sa iyo ng 1 entry sa 2nd Chance na mga draw. Halimbawa, binibigyan ka ng $5 na paglaro mo ng 2nd Chance code para sa 5 entry.

Scratchers 2nd Chance

Ang iyong hindi nanalong ticket ay nagbibigay sa iyo ng isa pang pagkakataon para manalo hanggang sa $25,000 sa isang lingguhang draw. Bawat $1 na gagastusin mo ay nagbibigay sa iyo ng 1 entry sa mga drawing ng 2nd Chance. Halimbawa, binibigyan ka ng hindi nanalong $10 na ticket ng 2nd Chance code para sa 10 entry.

Fantasy 5 – 2nd Chance

Binibigyan ka ng $5 na ticket mo o higit pa ng isa pang pagkakataon na manalo ng hanggang $10,000 sa isang lingguhang draw. Para sa bawat $5 na ilalaro mo, makatatanggap ka ng isang 2nd Chance code para sa 1 entry sa 2nd Chance na draw.

Ang Mga Code Mo ay Nagiging mga Entry sa Draw

Sa sandaling isumite mo ang mga code mo ng 2nd Chance, ipapasok ka sa lahat ng naaangkop na lingguhang draw. Kasama ng mga lingguhang draw, may mga karagdagang promo draw ng Lottery na maaaring awtomatiko ka rin na masali. Maaari kang magsumite ng hanggang 500 na 2nd Chance codes sa isang buwan, kaya marami kang pagkakataong manalo!

2nd Chance SuperLotto Plus, calottery tiket
SuperLotto Plus 2nd Chance

Limang panalo bawat linggo.
Mananalo ang bawat isa ng $15,000!

2nd Chance Scratchers, calottery logo
Scratchers 2nd Chance

32 panalo bawat linggo.
Ang kabuuan ng mga premyo ay $100,000!

2nd Chance Fantasy 5, calottery tiket
Fantasy 5 - 2nd Chance

15 panalo bawat linggo.
Ang kabuuan ng mga premyo ay $42,000!

Mga Kamakailang Nanalio sa 2nd Chance

  • Card 1 Nanalo sa Fantasy 5 2nd chance Robin B. mula sa Yuba City, California Fantasy 5 2nd Chance $10,000
  • Card 2 Nanalo sa Scratchers 2nd Chance Rachel A. sa san diego, california Scratchers 2nd Chance $25,000
  • Card 3 Nanalo sa Fantasy Five 2nd chance Derek W ng Hayward, California Nanalo sa 2nd Chance $10,000
  • Card 4 Nanalo ng Fantasy 5 2nd chance Gayle G. ng Pioneer, California Fantasy 5 2nd Chance $10,000
  • Card 5 Nanalo sa Scratchers 2nd Chance na si Amber A. mula sa Stockton, CA Scratchers 2nd chance $25,000
  • Card 6 Nanalo sa Scratchers 2nd Chance na si Don B. mula sa Elk Grove, CA Scratchers 2nd Chance $25,000
  • Card 7 Nanalo sa Scratchers 2nd Chance George B. sa Pacifica, California Scratchers 2nd Chance $25,000
  • Card 8 Nanalo sa Fantasy 5 2nd Chance na si Edward L. mula sa Palmdale, CA 2nd Chance Winner $10,000
  • Card 9 Nanalo sa SuperLotto Plus 2nd Chance Deborah H. mula sa West Sacramento, California Nanalo sa 2nd Chance $15,000
  • Card 10 Nanalo sa Scratchers 2nd Chance Mohamed S. ng Antioch, California Nanalo sa 2nd Chance $25,000
Laktawan ang Visual Slideshow
Nanalo sa Fantasy 5 2nd chance Robin B. mula sa Yuba City, California

Fantasy 5 2nd Chance

$10,000

Nanalo sa Scratchers 2nd Chance Rachel A. sa san diego, california

Scratchers 2nd Chance

$25,000

Nanalo sa Fantasy Five 2nd chance Derek W ng Hayward, California

Nanalo sa 2nd Chance

$10,000

Nanalo ng Fantasy 5 2nd chance Gayle G. ng Pioneer, California

Fantasy 5 2nd Chance

$10,000

Nanalo sa Scratchers 2nd Chance na si Amber A. mula sa Stockton, CA

Scratchers 2nd chance

$25,000

Nanalo sa Scratchers 2nd Chance na si Don B. mula sa Elk Grove, CA

Scratchers 2nd Chance

$25,000

Nanalo sa Scratchers 2nd Chance George B. sa Pacifica, California

Scratchers 2nd Chance

$25,000

Nanalo sa Fantasy 5 2nd Chance na si Edward L. mula sa Palmdale, CA

2nd Chance Winner

$10,000

Nanalo sa SuperLotto Plus 2nd Chance Deborah H. mula sa West Sacramento, California

Nanalo sa 2nd Chance

$15,000

Nanalo sa Scratchers 2nd Chance Mohamed S. ng Antioch, California

Nanalo sa 2nd Chance

$25,000

Madali lang sumali! Sundin lang ang mga simpleng hakbang na ito para isumite ang mga 2nd Chance code mo.

Hakbang 1

SuperLotto Plus: Bumili ng ticket. Gamitin ang 2nd Chance code na nasa ticket mo para sumali sa mga 2nd Chance draw. Makakukuha ka ng 1 entry para sa bawat $1 na gagastusin mo.

Scratchers: Bumili ng ticket. Kung hindi ito isang agarang panalo, gamitin ang 2nd Chance code na nasa ticket mo para sumali sa mga 2nd Chance draw. Makakukuha ka ng 1 entry para sa bawat $1 na gagastusin mo.

Fantasy 5: Bumili ng ticket para sa $5 o higit pa. Gamitin ang 2nd Chance code na nasa ticket mo para sumali sa mga 2nd Chance draw. Makakukuha ka ng isang code para sa bawat $5 na gagastusin mo.

Hakbang 2

Mag-sign in sa My Account o magrehistro para sa isang Lottery account. Mayroong dalawang paraan para isumite ang 2nd Chance code sa iyong SuperLotto Plus, mga hindi nanalong Scratcher, o $5 o higit pang mga Fantasy 5 tiket. (1) Kapag naka-log in ka sa iyong account mula sa isang laptop o desktop, Maipapasok mo nang mano-mano ang mga 2nd Chance code mo. Tingnan ang mga larawan sa ibaba kung saan mo makikita ang mga 2nd Chance code mo. (2) Para sa mabilis at madaling paraan ng paglalaro, maisusumite mo rin ang ticket mo gamit ang California Lottery Official Mobile App sa pamamagitan ng pag-scan sa barcode na nasa harap ng mga ticket mo. 

Superlotto Plus 2nd Chance code sa ticket
SuperLotto Plus
2nd Chance
Scratchers 2nd Chance code sa ticket
Scratchers 2nd Chance
Fantasy 5 2nd Chance code sa ticket.
Fantasy 5 - 2nd Chance
Hakbang 3

Alamin ang mga oras ng draw. Nagaganap ang mga 2nd Chance draw linggo-linggo pagkalipas ng deadline ng entry sa ganap na 11:59 pm sa Sabado. Ang mga entry na isinumite pagkalipas ng 11:59 pm ay isasali sa draw ng susunod na linggo.

Hakbang 4

Magsumite ng hanggang 500 code bawat buwan. Ang bawat code ay isang entry sa draw na awtomatikong inilalagay sa lahat ng nalalapat na draw nang hindi bababa sa minsan man lang. Mayroong dalawang uri ng draw: mga lingguhang draw para sa bawat game program, at mga karagdagang Lottery promotional draw.

Hakbang 5

Subaybayan ang mga isinumite mo sa iyong Lottery account. Maaari mong tingnan at salansanin ang mga isinumite mong 2nd Chance code ayon sa petsa at draw, at makita kung gaano karaming draw ang sinalihan ng bawat isa sa mga isinumite mo. Tingnan ang Mga Isinumite Ko.

Hakbang 6

Gamitin ang alinman sa mga paraang ito para makita kung isa kang 2nd Chance winner:

Mga Opisyal na Panuntunan ng 2nd Chance


Mga premyo

SuperLotto Plus 2nd Chance Weekly Pool Draws

  • Lima ang mananalo ng $15,000

Scratchers 2nd Chance Weekly Pool Draws

  • Dalawa ang mananalo ng $25,000
  • Lima ang mananalo ng $5,000
  • Dalawampu't lima ang mananalo ng $1,000

Fantasy 5 – 2nd Chance Weekly Pool Draws

  • Tatlo ang mananalo ng $10,000
  • Labindalawa ang mananalo ng $1,000

Maaari ka lamang manalo ng 1 premyo sa bawat draw.

Paano Sumali

Kailangan mong mag-sign in sa iyong na-verify My Account o magrehistro para sa isang Lottery account para magsumite ng code. Maaari kang magpasok ng hanggang kabuuang 500 na code para sa mga draw ng 2nd Chance bawat buwan. Ang bawat hindi nanalong Scratcher, kwalipikadong SLP at $5 o higit pang Fantasy 5 – 2nd Chance code na ipapasok mo ay isang pagsumite, at ang mga nag-aalok ng maramihang entry ay ibinibilang na 1 pagsumite lang. Maaaring magbago ang mga deadline ng entry at mga detalye sa website ng Lottery.

Mga draw

Nagaganap ang mga draw linggo-linggo ayon sa mga regulasyon at pamamaraan ng Lottery. Kung sakaling hindi karapat-dapat o hindi balido ang isang napiling entry, 5 kahaliling mananalo ang pipiliin sa bawat draw. Ang bawat entry ay kwalipikado lamang para sa 1 draw. Lahat ng napapanahong entry ay karapat-dapat para sa isa man lang na 2nd Chance na draw: isang lingguhang pool draw para sa tinukoy na programa. Ang ilang mga Scratcher, SuperLotto Plus at Fantasy 5 ticket ay maaari rin na magkaroon ng mga karagdagang promo draw kung saan awtomatiko kang isasali sa sandaling magpasok ng code. Walang pagkakataon na tatanggapin o balido ang mga entry ng Scratchers 2nd Chance pagkalipas ng 180 araw mula sa petsa ng pagtatapos ng game para sa mga partikular na Scratcher. Walang pagkakataon na tatanggapin o balido ang SuperLotto Plus 2nd Chance at Fantasy 5 – 2nd Chance code pagkalipas ng 180 araw mula sa petsa ng pagbili. 

Pagpili ng Nanalo at Abiso

Sapalarang pipili ng mga nanalo ang Lottery mula sa mga karapat-dapat na entry ng bawat draw at ipo-post ang mga ito sa Page ng Mga Resulta at NanaloAabisuhan ng Lottery ang bawat mananalo sa pamamagitan ng e-mail para mag-log in sa My Account para sa "importanteng impormasyon."

Pagka-nararapat at Paglahok

Ikaw ay dapat na 18 o mas matanda pa at nakasasapat sa mga mga hinihingi sa pagka-nararapat sa oras ng draw para makalahok sa mga 2nd Chance na draw. Dapat kang magparehistro sa website ng Lottery na may balidong address sa California. Bilang karagdagan, dapat na mayroon kang isang aktibong 2nd Chance account sa oras ng draw para maging karapat-dapat na manalo. Ang isang aktibong 2nd Chance account ay ang account kung saan maaaring mag-log in ang isang user na hindi pa naisara, tinanggal, o isinumite para sa pagsasara/pagtanggal. Ang mga pagsumite ay dapat ipasok sa loob ng California. Dapat mong ibigay ang buong legal na pangalan mo kapag nagrerehistro para sa 2nd Chance para maging karapat-dapat sa mga premyo. Kung nagbago ang pangalan mo dahil sa kasal o para sa anumang iba pang dahilan, dapat mo itong baguhin sa registration page ng Lottery bago ang draw para maging karapat-dapat sa premyo. Dapat kang magsumite ng a 2nd Chance Claim Form (PDF) para matanggap ang iyong premyo. Ang 2nd Chance ay hindi bukas sa ilang partikular na vendor o empleyado ng Lottery, sa kani-kanilang mga ahente at miyembro ng pamilya na naninirahan sa parehong sambahayan.

Posibilidad na manalo

Nagiging iba-ba ang posibilidad na manalo ka depende sa kabuuang bilang ng mga entry na natanggap at kabuuang bilang ng mga entry na isinumite ng bawat manlalaro.

Mga Karagdagang Tuntunin

Responsibilidad mong sumunod sa mga opisyal na panuntunan ng 2nd Chance na ito, kasama ng mga batas ng estado at pederal at mga regulasyon sa Lottery. Dapat kang magbigay ng patunay ng iyong edad, pagiging karapat-dapat at pagkakakilanlan kung hihingin. Sumasang-ayon ka na maaaring gamitin ng Lottery ang iyong pangalan, larawan, pagkakahawig at bayan para sa mga layunin ng advertising at publisidad, nang walang kabayaran. Responsibilidad mo ang lahat na buwis kung mananalo ka. Sa paglahok sa 2nd Chance at/o pagtanggap ng anumang premyo o promotional award, sumasang-ayon ka na palayain at ipawalang-sala ang Lottery at ang aming mga commissioner, empleyado, ahente at opisyal mula sa anumang paghahabol, kahilingan, paghatol, award at/o anumang pananagutan ng anumang uri. May karapatana ng Lottery ay na baguhin o wakasan ang programang 2nd Chance anumang oras. Kung sakaling magkaroon ng salungatan, mananaig ang mga opisyal na panuntunang ito sa anumang umiiral na pangkalahatang panuntunan o mga patalastas ng Lottery.

Pagkolekta ng Impormasyon at Mga Tuntunin ng Serbisyo
Para maprotektahan ang iyong privacy, nililimitahan at prinoprotektahan ng Lottery ang personal na impormasyong kinokolekta at nasa pag-iingat namin. Para alamin pa ang tungkol sa aming pagkolekta, paggamit at pag-access ng impormasyon, basahin ang aming Patakaran sa Privacyat Mga Tuntunin ng Serbisyo.
Ano ang mga rekisito sa username at password para sa pag-sign in?

Username Requirements

  • Length: 6-20 characters
  • Allowed characters: Letters, numbers, and the following special characters: -_&%$#!*+=
  • Spaces are not allowed
  • Cannot contain profanity or inappropriate words
  • Cannot be your email address

Password Requirements

  • Cannot be easily guessed (like 'Password1')
  • Cannot match any of your last 5 passwords
  • Must contain the following:
    • 12-50 characters
    • Capital letter (A-Z)
    • Lowercase letter (a-z)
    • Number (0-9)
    • Any of the following symbols: -_&%$#@!*+=
    Ano ang 2nd Chance Program ng California Lottery?
    Ang 2nd Chance Program ay isa pang paraan para manalo ka ng cash at iba pang mga prize para sa di-nanalong Scratchers, SuperLotto Plus, at $5 o higit pang Fantasy 5 na mga ticket sa pamamagitan ng pag-submit sa mga 2nd Chance code sa lingguhang mga pool draw at, kung naaangkop, sa mga promotional draw.
    Maaari ko bang tingnan ang isang lista ng lahat na California Lottery 2nd Chance code na ipinasok ko?
    Lahat ng 2nd Chance code entry mo para sa nakaraang taon ay mapupunta sa iyong My 2nd Chance Submissions page, kaya napakadaling i-check iyon at ikumpara sa mga 2nd Chance code na nasa iyo. Ang mga code na ipinasok nang lampas isang taon na ay hindi kuwalipikado para sa mga draw at/o claim, kaya hindi ito ililista sa iyong My 2nd Chance Submissions page
    Paano ko kukunin ang aking 2nd Chance na premyo?
    Tingnan ang mga instruksyon para sa pagkolekta ng 2nd Chance prize mo sa Claim A Prize page. Pagkatapos mong mag-sign in sa account mo, makikita mo ang prize mo at isang link papunta sa isang 2nd Chance Winner Claim Form (PDF). Hihilingin sa iyong i-download, kumpletuhin, at ipadala sa mail ang claim form sa loob ng 180 araw mula nang mag-draw sa:

    California Lottery
    Attn: 2nd Chance Promotion
    700 North 10th Street  MS: 2-2
    Sacramento, CA 95811-0336
    Paano ko ia-update ang aking email address o iba pang personal na impormasyon?

    Mag-sign in lang sa iyong account at pumunta sa page na Edit My Profile page. Pagkatapos mong i-update ang iyong impormasyon, piliin ang button na “Save Changes”.

    Kung ia-update mo ang iyong email address, padadalhan ka ng California Lottery ng verification email. Kung hindi mo ito nakikita sa inbox mo, tingnan sa iyong junk/spam folder. Idagdag ang California Lottery sa lista mo ng mga ligtas na nagpadala para hindi ito mangyari sa hinaharap.

    Paano ako maglalagay ng 2nd Chance code?
    Mag-sign in sa account mo o mag-register para sa 2nd Chance account. May dalawang paraan para i-submit ang 2nd Chance code sa iyong SuperLotto Plus, mga hindi nanalong Scratchers, o $5 o higit pang Fantasy 5 ticket.

    (1) Kapag naka-sign in ka na sa account mo, mailalagay mo na nang manu-mano ang mga 2nd Chance code mo. Tingnan ang mga larawan sa seksiyong How To Enter ng page na ito, na nagpapakita kung saan mo matatagpuan ang mga 2nd Chance mo.

    (2) Para sa mabilis at madaling paraan para maglaro, maisa-submit mo rin ang ticket mo gamit ang California Lottery Official Mobile App sa pamamagitan ng pag-scan sa barcode na nasa harap ng ticket mo.
    paano gumagana ang 2nd Chance para sa SuperLotto Plus at Fantasy 5?

    Ang bawat SuperLotto Plus na ticket ay may 2nd Chance code na nagbibigay ng 1 entry sa lingguhang SuperLotto Plus 2nd Chance draw para sa bawat $1 na ginastos. May 5 prize, at kung mas maraming pera ang iyong nilalaro, mas maraming mga entry ang makukuha mo. Halimbawa, kung maglalaro ka ng $5 sa isang ticket, ang 2nd Chance code mo ay magiging para sa 5 entry sa draw.

    Ang bawat $5 na Fantasy 5 na ticket ay may 2nd Chance code para sa 1 entry sa lingguhang Fantasy 5 – 2nd Chance na draw. May 15 prize, at kung mas maraming pera ang iyong nilalaro, mas maraming mga entry ang makukuha mo. Halimbawa, kung maglaro ka ng $15 sa isang ticket, ang iyong 2nd Chance code ay magbibigay ng 3 entry sa draw.

    Gaano katagal bago makuha ang aking 2nd Chance na premyo?
    Magbigay ng humigit-kumulang 8 linggo para matanggap ang premyo mo. Kung mayroon kang anumang katanungan, tawagan ang Customer Service Department ng California Lottery sa numerong 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379), Lunes hanggang Biyernes mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., at ikalulugod naming tulungan ka.
    Paano ko malalaman kung ilang 2nd Chance code ang inilagay ko?
    Ipinapakita sa iyo ng 2nd Chance account mo, nang real time, kung gaano karaming 2nd Chance code ang naipasok mo sa kasalukuyang buwan. Para sa listahan ng lahat na 2nd Chance code na ipinasok mo para sa nakalipas na taon, pumunta sa iyong My 2nd Chance Submissions page. Hindi ka hahayaan ng system na mag-submit ng mahigit sa 500 na 2nd Chance code kada buwan.
    Paano ko malalaman kung nanalo ako sa 2nd Chance?
    Kung manalo ka, aabisuhan ka sa pamamagitan ng email para mag-sign in sa iyong 2nd Chance account para sa isang mahalagang update sa 2nd Chance. Kapag nag-sign in ka, aabisuhan ka tungkol sa prize mo at bibigyan ka ng isang link papunta sa Claim Form ng 2nd Chance.
    Nag-sign up ako para sa isang 2nd Chance account, kaya bakit hindi ako makakapasok sa mga 2nd Chance draw?
    Ang mga player lamang na may mga na-verify na account, kabilang ang isang na-verify na email address, ang maaaring magsumite ng mga code. Para i-activate ang iyong na-verify na account, kailangang kumpirmahin ng California Lottery ang iyong email address. Hanapin lamang ang verification email ng California Lottery sa iyong inbox at i-click ang button para kumpirmahin ang iyong email address. Kung naihatid ang email nang higit sa 24 na oras bago mo i-click ang button, kakailanganin mong gawin ito mag-sign in sa iyong accountat i-click ang link para humiling ng bagong verification email.
    Ano ang isang na-verify na account?

    Para matiyak ang integridad ng iyong account, ang California Lottery ay gumagamit ng teknolohiya sa pag-verify ng edad/pagkakakilanlan para patunayan ang mga detalye ng iyong account, tulad ng iyong pangalan, address, at petsa ng kapanganakan. Para makalahok sa mga benepisyo ng nakarehistrong player kagaya ng 2nd Chance, at para maging kuwalipikadong manalo sa isang promo o mga prize ng 2nd Chance, dapat na ibigay ng mga player ang sumusunod na impormasyon:

    • Buong legal na pangalan (pangalan at apelyido)
    • Valid na street address sa California (kasana ang numero ng apartment, unit, o suite, kung naaangkop)
    • Petsa ng kapanganakan (para matiyak na ikaw ay 18 o mas matanda at legal na makakapaglaro ng California Lottery)

    Kung tama ang personal na impormasyong inilagay mo sa iyong page ng Aking Profile, pero hindi ka makapag-submit ng mga 2nd Chance code, baka kailangan mong gumawa ng manu-manong pag-verify. Mahahanap mo ang mga detalye sa Manual Account Verification page.

    Patakaran ng California Lottery na limitahan ang pagkolekta ng personal na information at protektahan ang personal na impormasyon na kinokolekta at nasa pag-iingat namin.

    Ano ang isang aktibong 2nd Chance account?

    Ang aktibong 2nd Chance account ay:

    • Makaka-sign in ang isang user at kung saan na-verify ang email address;
    • Kuwalipikadong mag-submit ng mga code para sa mga 2nd Chance draw o manalo ng mga 2nd Chance prize;
    • Hindi nasuspinde, na-delete, o nai-submit para i-close/i-delete.
    Paano kung wala sa inbox ko ang California Lottery verification email ko?
    Kung hindi mo mahanap ang verification email ng California Lottery sa iyong inbox, tingnan ang iyong junk/spam folder. Idagdag ang California Lottery sa iyong safe senders list para hindi ito mangyari ulit.
    Paano kung hindi ako nakakaatanggap ng mga email mula sa California Lottery?
    Maaaring hindi na-verify ang email address na kaugnay ng iyong 2nd Chance account. Mag-sign in sa iyong account at pumunta sa iyong pahina ng Aking Profile para kumpirmahin ang email address na ginamit mo noong nagparehistro ka, pagkatapos ay suriin ang iyong inbox para sa isang email sa pag-activate ng account. Kung hindi mo ito mahanap, tingnan ang iyong junk/spam folder.

    Kung naihatid ang email nang higit sa 24 oras bago mo i-click ang button para kumpirmahin ang iyong email address, kakailanganin mong mag-sign in sa iyong account at i-click ang link para humiling ng bagong verification email.

    Kung kailangan mo ng tulong, tawagan ang California Lottery Customer Service sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379) Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng 8:00 a.m. at 5:00 p.m., magpadala ng email sa customerservice@calottery.com, o magsumite ng mga tanong sa pamamagitan ng Contact Us form.
    Bakit hindi ko ma-access ang aking 2nd Chance account?
    Kung nakalimutan mo ang username o password mo, pumunta sa Sign In page at i-select ang link na ‘Forgot Username?’ o ‘Forgot Password?’, at sundin ang mga instruksyon. Sa mga bihirang kaso, maaaring ma-lock ang iyong account para sa mga dahilang pangseguridad. Kung kailangang mo ng tulong, tumawag sa California Lottery Customer Service sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379) Monday hanggag Friday sa pagitan ng 8:00 a.m. at 5:00 p.m., mag-email sa customerservice@calottery.com, o mag-submit ng mga tanong gamit ang form na Makipag-ugnayan sa Amin.
    Kung maglalagay ako ng 2nd Chance code na karapat-dapat para sa 2 magkaibang draw, mabibilang ba ito bilang 2 sa aking 500 buwanang entry?
    Hindi. Itinuturing ito na 1 lang sa 500 buwanang submission mo para sa 2nd Chance. Ang bawat code na ipinapasok mo ay itinuturing na 1 submission.
    OK lang bang itapon ang aking 2nd Chance code pagkatapos kong ipasok ang mga ito sa drawing?
    Inirerekomenda naming panatilihin ang iyong mga 2nd Chance code hanggang sa matapos ang draw, kung sakaling may tanong tungkol sa isa sa mga ito. Ang pagtatapon ng iyong mga code ng 2nd Chance ay hindi magdidisqualify sa iyo mula sa mga drawing, at hindi mo kailangan ang iyong orihinal na ticket para makuha ang iyong premyo, ngunit ikaw ang may pananagutan sa huli para sa mga 2nd Chance code na iyong isinumite.
    Ano ang aking posibilidad na manalo ng 2nd Chance?
    Nag-iba-ba ang posibilidad mo na manalo depende sa kabuuang bilang ng mga entry na natanggap at sa kabuuang bilang ng mga entry na isinubmit ng bawat player.
    Ano ang mangyayari kung isusumite ko ang aking 2nd Chance code pagkatapos ng deadline?
    Kung nag-submit ka ng 2nd Chance code pagkalipas ng deadline ng entry na 11:59 p.m. Saturday, awtomatiko itong maipapasok sa draw sa susunod na linggo. Ang entry mo ay para sa isang lingguhang draw.
    Ano ang mangyayari sa aking mga entry kung tatanggalin ko ang aking 2nd Chance account?
    Anumang mga pagsusumite sa mga nakabinbing draw ay hindi na magiging karapat-dapat na manalo dahil ang account ay hindi na aktibo.   
    Ano ang mangyayari kung wala akong valid na address sa California?
    Dapat kang magbigay ng valid na address sa California para makapag-register para sa isang 2nd Chance account, para makapag-submit ng mga code para sa mga 2nd Chance draw, at para maging kuwalipikadong manalo ng mga 2nd Chance prize. Kapag binago mo ang address mo at ginawang hindi sa California, hindi ka na magiging kuwalipikadong mag-submit ng mga code para sa mga 2nd Chance draw o para manalo ng mga 2nd Chance prize.
    Paano ko masu-suspend o made-delete ang 2nd Chance account ko?

    May dalawang opsyon ka: I-suspend ang account mo, o i-delete ang account mo.

    • I-suspend - Masu-suspend ang account mo, pero mananatili ang impormasyon mo sa profile - para maaari mong i-activate muli ang account mo kahit kailan mo naisin.
    • I-delete - Aalisin ang lahat na impormasyon mo mula sa aming database. Made-delete din ang mga aktibo mong submission sa 2nd Chance draw. Kakailanganin mong gumawa ng bagong account kung gusto mong sumali muli sa 2nd Chance. 

    Mag-sign in, pumunta sa My Profile page, piliin ang "Edit My Profile" button, pagkatapos ay piliin ang link para sa “Suspend/Delete My Account." Sundin ang mga opsyon para sa pag-suspend o pag-delete ng iyong account.

    Tandaan na kung tatanggalin mo ang iyong account habang mayroon kang aktibong mga entry sa 2nd Chance, made-delete ang iyong mga entry kasama ng lahat ng iba pang impormasyon ng iyong account.

    Paano ko mare-reactivate ang 2nd Chance account ko?

    Kapag na-suspend ang 2nd Chance account mo at gusto mong i-reactivate ito, magpunta sa Sign In page at ilagay ang username at password na kaugnay sa 2nd Chance account mo, at sundin ang mga prompt.

    Tandaan na kung dinelete mo ang iyong account, ang lahat na impormasyon ng iyong account ay na-delete. Kakailanganin mong gumawa ng bagong 2nd Chance account.

    Kailan ang lingguhang 2nd Chance drawing?
    Ang mga nanalo sa 2nd Chance Weekly Pool Draw ay pinipili sa isang lingguhang random na draw. Ang entry deadline ay 11:59 p.m. tuwing Saturday, at ang mga draw ay ginaganap sa loob ng 5 business day mula sa deadline.
    Kailan mag-e-expire ang 2nd Chance code ng hindi nanalong Scratchers ko?
    Mag-e-expire ito 180 araw pagkalipas ng opisyal na petsa ng wakas ng laro. Para makakuha ng impormasyon tungkol sa kung kailan matatapos ang Scratchers at ang huling petsa ng submission ng 2nd Chance, pumunta sa End of Game Info tab on the Scratchers Page.
    Congrats sa Mga Napakasayang Mananalo
    Ang Mga Nanalo sa Holiday 2nd Chance
    Bonus Draw Ay Sina...
    Maging Responsable sa Paglalaro

    Huwag hayaang maging problema ang pagsusugal.