Ang Aming Misyon, Pangitain, at mga Pinahahalagahan
ANG AMING MGA PINAHAHALAGAHAN
Nakatuon kami sa mga pangunahing pagpapahalagang ito upang matugunan ang aming misyon at makamit ang aming pangitain.
Teamwork
Tayo ay isang team. Nagpapakita tayo para sa isa't isa. Nakikipagtulungan kami para makamit ang mga nakakamanghang bagay. Masigasig kami sa aming ginagawa at ipinagmamalaki ang aming mga nagawa.
Respeto
Mahalaga sa amin kung paano nakakaapekto ang aming mga kilos sa iba. Ang lahat ng pananaw ay pinahahalagahan at karapat-dapat sa pagkilala.
Pagkakaiba-iba, Pagkakapantay-pantay at Pagsasama
Kami ay isang lugar ng trabaho na nagtataguyod ng pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at pagsasama. Nagsusumikap kaming lumikha ng isang komunidad kung saan tinatanggap ang mga pagkakaiba at kung saan ang lahat ay maaaring magtagumpay. Nagsusumikap kami para sa pag-unlad sa pamamagitan ng magkakaibang recruitment, patas na pagtrato, at pagiging inklusibo.
Integridad
Sinisikap naming kumilos nang may prinsipyo at etikal na paraan. Kinikilala namin ang aming mga pangako - sa mga taong aming pinaglilikuran at sa isa't-isa. Ginagawa namin ang tama.
Pagiging bukas
Kami ay pampublikong lingkod. Bukas at tapat ang aming pakikipag-ugnayan dahuil binibigyang kapangyarihan ng kaalaman ang mga tao na gumawa ng may kaalalamang pagpapasya at makuha ang tiwala ng publiko.
Pananagutan
Gumagawa kami ng matalinong pagpapasya batay sa aming karanasan at pagatol Kami ang responsable sa aming mga pagkilos at ginagamit namin ang mga resulta para matuto. Amin ito
Sumali sa Aming Team!
Kung ikaw ay masigasig sa paggawa ng positibong epekto at nais maging bahagi ng isang pangkat na nagbabago ng mga buhay at humuhubog sa hinaharap, makipagtulungan sa amin! Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa aming kultura at makahanap ng mga bakanteng posisyon sa California Lottery sa aming Careers page.