$600 MILLION ang Susunod na Jackpot!*
$600 MILLION ang Susunod na Jackpot!*
Mga Draw bawat Lunes, Miyerkules
at Sabado.
Mga Draw bawat Lunes, Miyerkules
at Sabado.
*Tinatayang Jackpot
Powerball®
Believe In Something Bigger!™
Maglaro ng Powerball® para sa $2 lang. Bumili ng tickets sa inyong lokal na Lottery retailer o sa pinakamalapit na Lottery vending machine. Tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado nang 7:59 p.m ginaganap ang mga draws. Alamin kung saan maglalaro dito.
Mga Detalyadong Resulta ng Draw para sa California
Sarado na ang draw entry.
Malapit na ang mga resulta!
Para makita ang mga resulta ng draw para sa mga kalahok na POWERBALL lottery sa labas ng California, hanapin ang mga resulta ng POWERBALL.
Sa California, pari-mutuel ang mga halaga ng premyo ng POWERBALL, mag-iiba depende sa mga benta ng ticket at bilang ng mga nanalo at mag-iiba sa mga nakapirming premyo na ipinapakita sa website ng POWERBALL
Ina-update ang page na ito sa lalong madaling panahon pagkatapos ng draw. Ang impormasyon ng premyo ay makukuha sa sertipikasyon ng mga pambansang resulta.
Ginagawa namin ang lahat ng pagsisikap na mailagay ang impormasyon ng tumpak na nanalong numero sacalottery.com, pero maaaring may mga pagkakamaling mangyari. I-refresh ang page mo at hanapin ang petsa ng kapag tinitingnan mo ang mga nanalong numero. Kung may mga pagkakaiba, mananaig ang mga batas ng Estado ng California at mga regulasyon ng California State Lottery. Makukuha ang kumpletong impormasyon ng game at mg atagubilin sa pag-claim ng premyo sa lahat na retailer ng Lottery.
Paano i-claim ang iyong premyo
Congrats sa panalo mo! Sundin ang madadaling hakbang na ito para masimulan ang claim process.
Paano i-claim ang iyong premyo
Congrats sa panalo mo! Sundin ang madadaling hakbang na ito para masimulan ang claim process.
Mga Nakalipas na Nanalong Numero
Huling Na-update Hul 25, 2026 7:50:23 p.m.
Ginagawa namin ang lahat ng pagsisikap na mailagay ang impormasyon ng tumpak na nanalong numero sacalottery.com, pero maaaring may mga pagkakamaling mangyari. I-refresh ang page mo at hanapin ang petsa ng kapag tinitingnan mo ang mga nanalong numero. Kung may mga pagkakaiba, mananaig ang mga batas ng Estado ng California at mga regulasyon ng California State Lottery. Makukuha ang kumpletong impormasyon ng game at mg atagubilin sa pag-claim ng premyo sa lahat na retailer ng Lottery.
Check-A-Ticket
I-scan ang iyong ticket para makita kung nanalo ka gamit ang CA Lottery® App.
Paano i-claim ang premyo mo
Congrats sa pagkapanalo mo! Sundin ang madadaling hakbang na ito para masimulan ang proseso ng pag-claim.
Paano Maglaro ng Powerball
Madali lang maglaro. Para malaman kung paano,sundin ang 5 simpleng hakbang.
HAKBANG 1
Gamit ang isang Lottery payslip, na makikita mo sa saanmang retailer ng Lottery, pumili ng 5 numero sa pagitan ng 1 at 69 at 1 Power Number sa pagitan ng 1 at 26. Mapipili mo rin ang Quick Pick®, o sabihin lang sa cashier na Powerball Quick Pick, at pipiliin ng random number generator ang mga numero para sa iyo.
Para ilaro ang parehong mga numero sa magkakasunod na draw, markahan lang ang Advance Play®.
Nagbibigay-daan ang Advance Play na makalaro ka ng maraming draw sa isang pagbili.
Makalalaro ka ng hanggang 10 magkakasunod na draw sa isang playslip sa pamamagitan ng pagmamarka sa Advance Play box.
HAKBANG 2
Magbayad ng $2 bawat laro para sa bawat ticket ng Powerball. Ang ticket mo ay iyong resibo. Kapag na-print na ito, hindi na maaaring kanselahin o i-refund ang paglalaro.
HAKBANG 3
Alamin ang mga oras ng draw. Nagaganap ang mga draw sa Powerball tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado sa ganap na 7:59 p.m. Nagsasara ang draw entry nang 7 p.m. sa araw ng draw.
HAKBANG 4
Tandaan na ang Powerball ay may 9 na panalong kumbinasyon ng bola. Habang mas maraming numero sa iyong ticket na tumutugma sa mga numerong nabunot, mas marami kang panalo.
HAKBANG 5
Gamitin ang alinman sa mga paraang ito para malaman kung isa ka sa nanalo sa Powerball:
- Tingnan sa website ng Lottery para sa mga nanalong numero at halaga ng premyo.
- I-download ang Lottery mobile app para makita ang mga nanalong numero.
- I-scan ang ticket mo gamit ang feature na Check-A-Ticket sa mobile app.
- Gamitin ang Check-A-Ticket machine sa isang lokal na lokasyon ng retail ng Lottery.
Sino-sino ang Nakikinabang
Ang mga pondo ng lottery ay nagbibigay ng karagdagang pondo para sa pampublikong edukasyon ng California.
Pumunta Sa Mobile
Kunin ang aming mobile App at magsaya saan ka man pumunta.
Posibilidad na Manalo sa Game
Manalo ng premyo sa pamamagitan lamang ng pagtutugma ng numero ng Powerball, o manalo nang malaki sa pagtugma sa lahat na 5 numero, kasama ang numero ng Powerball.
| Tugma | Posibilidad na manalo 1 sa |
|---|---|
| Lahat na 5 ng 5 at Powerball | 292,201,338 |
| Lahat na 5 ng 5 | 11,688,054 |
| Alinmang 4 ng 5 at Powerball | 913,130 |
| Alinmang 4 ng 5 | 36,526 |
| Alinmang 3 ng 5 at Powerball | 14,495 |
| Alinmang 3 ng 5 | 580 |
| Alinmang 2 ng 5 at Powerball | 702 |
| Alinmang 1 ng 5 at Powerball | 92 |
| Wala sa 5, Powerball lang | 39 |
| Pangkalahatang posibilidad na manalo | 24.87 |
Sumali sa Paglaro nang Personal
Samahan kami sa mga kaganapan sa buong estado para maglaro ng mga pinakabagong laro namin at paikutin ang Lottery wheel para manalo ng mga premyo na pang-promo.
Nagaganap ang mga draw tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado sa ganap na 7:59 ng gabi, at ang pagpasok ay dapat gawin bago mag-7 ng gabi Walang pagbenta o pag-validate ng ticket na magaganap mula 7:45 p.m. hanggang 7:50 p.m., kung kailan hinihiwalay ng agwat ng draw ang mga pagbenta habang panahon ng draw.
Ang mga ticket na nabenta pagkalipas ng 7:05 p.m. ay hindi nararapat para sa draw ng gabing iyon, pero nararapat para sa susunod na draw.
Oo. Ang Advance Play, na nagbibigay-daan sa iyong maglaro ng maraming draw sa 1 pagbili, ay available para sa hanggang 10 draw (2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 o 10) sa Powerball® playslip at mga terminal ng self-service ng Lottery. Ang bawat ticket ay may hanggang 10 play na naka-print dito.
Oo. Hanggang 100 tao ang maaaring gumawa ng maramihang claim sa pagmamay-ari para sa Powerball®, SuperLotto Plus® at Mega Millions®.
Gamitin ang alinman sa mga paraan na ito para makita kung nanalo ka sa draw:
- Tingnan sa website ng Lottery para sa mga nanalong numero at halaga ng premyo.
- I-download ang Lottery mobile app para makita ang mga nanalong numero
- I-scan ang ticket mo gamit ang na Check-A-Ticket sa mobile app
- Gamitin ang Check-A-Ticket machine sa isang lokasyon ng retail ng Lottery.
Kolektahin ang premyo mo na hanggang $599 sa alinmang kalahok na lokasyon ng retail ng Lottery.
Klektahin ang premyo na lagpas sa $599 sa alinmang Lottery District Office o sa pamamagitan ng koreo. Dalhin ang panalong ticket at pinunan na Claim Form sa isang District Office. Kunin ang Claim Form sa alinmang Lottery retail location, District Office or download the form (PDF).
Mayroon kang 180 araw mula sa petsa ng draw para makuha ang iyong premyo sa Powerball. Kung nanalo ka ng Powerball jackpot, mayroon kang hanggang isang taon mula sa petsa ng draw para makuha ito.
Hindi. Dapat na tubusin ang panalong ticket mo sa loob ng estado kung saan binili ito.
Narito ang mga madalas itanong tungkol sa pagpapalawak ng Powerball sa United Kingdom.
Paano magbabago ang Powerball?
Papalawakin ang Powerball sa United Kingdom. Ito ang unang pagpapalawak mula noong 2020, nang sumali ang Mississippi Lottery sa Powerball.
Bakit pinapalawak ang Powerball?
Nakatulong ang mga naunang pagpapalawak upang mas lumaki at mas mabilis lumaki ang jackpots, habang nadaragdagan din ang proceeds para sa mga benepisyaryo ng lottery, tulad ng mga paaralan sa California. Patuloy na susuportahan ng bagong pagpapalawak na ito ang mas mabilis na paglaki ng jackpots.
Paano ako maaapektuhan nito?
Walang magiging pagbabago sa paraan ng paglalaro sa California o sa U.S. Maihahambing ang pagbabagong ito sa pagdagdag ng Powerball ng isa pang U.S. jurisdiction, gaya ng ginawa nito sa Mississippi noong 2020.
Ano ang hindi magbabago sa Powerball?
Mag-aalok pa rin ang Powerball sa mga player ng malalaking jackpot, mga draw na tatlong beses sa isang linggo, at game na madaling laruin. Mananatiling $2 ang Powerball at magkakaroon ito ng parehong oras at araw ng draw gaya ng kasalukuyang game. Makapipili ka pa rin ng sarili mong mga numero o makabibili ng Quick Pick® sa paborito mong Lottery retailer.
Magbabago ba ang odds o mga premyo?
Hindi, mananatiling pareho ang odds at mga premyo.
Kailan ito mangyayari?
Nakatakdang magsimulang ibenta ang game sa United Kingdom sa July 21, 2026.
May plano bang palawakin ang Powerball sa iba pang bansa?
Sa ngayon, walang partikular na plano na palawakin ang Powerball sa labas ng United Kingdom. Maingat na susuriin ang anumang posibleng pagpapalawak upang matiyak na sinusuportahan nito ang integridad ng game, nagbibigay ng benepisyo sa mga kalahok na jurisdiction at sa mga layuning sinusuportahan nila, at napapanatili ang mga pangunahing feature na pinapahalagahan ng Powerball players. Gaya ng pagpapalawak sa United Kingdom, ang anumang paglahok sa hinaharap ay sasailalim sa regulatory approval at masusing operational at security reviews.
Saan ako makakahanap ng karagdagang impormasyon?
Available ang karagdagang impormasyon sa: https://www.powerball.com/
Sino-sino ang Nakikinabang
Ang mga pondo ng lottery ay nagbibigay ng karagdagang pondo para sa pampublikong edukasyon ng California.
Maging Responsable sa Paglalaro
Huwag hayaang maging problema ang pagsusugal.
