Maglaro ka, panalo ang mga paaralan.

Nakikinabang ang Mga Pampublikong Paaralan sa California

Ang misyon ng California Lottery ay makalikom ng pandagdag na pondo para sa pampublikong edukasyon. 

Nakalikha na ang Lottery ng mahigit $48 bilyon para sa mga pampublikong paaralan ng California mula nang ito’y magsimula noong 1985. Nakalikom kami ng mahigit $1.9 bilyon para sa edukasyon noong Taunang Pananalapi 2024–2025. Bagama’t kahanga-hanga ang halagang iyon, ito ay isang katamtamang bilang lamang kung ihahambing sa taunang badyet ng estado para sa mga pampublikong paaralan. Tandaan, inilaan ang mga pondo ng Lottery na maging pandagdag sa pampublikong edukasyon, hindi ang palitan ang pagpopondo ng estado o lokal.

Gayong hindi basta isinisiwalat ang mga pondong mula sa Lottery, nakatutulong ito sa mga paaralan na magawa ang mga hindi nila sana magagawa, kagaya ng paghikayat at pagpaapnatili sa mga mas de-kalidad na guro, pagbili ng state-of-the-art na kagamitan, pagpapahusay sa mga kaligiran ng pag-aaral, at pagpapanatiling tumatakbo ang mga kritikal na programa.

Hindi lang mga paaralan ang mga benepisyaryo namin! Alam mo ba na 95 sentimos ng bawat dolyar na ginagastos sa mga Lottery game ang bumabalik sa komunidad sa pamamagitan ng mga kontribusyon sa mga pampublikong paaralan at kolehiyo, mga premyo, at kabayaran sa pagbebenta? Salamat sa mga manlalaro namin at sa mga retail partner sa paggawa nitong lahat na posible!

Ang positibong epekto sa mga komunidad sa buong California ay bahagi lang ng panata namin sa responsibilidad ng kompanya sa lipunan, at ito rin ang panata ng bawag miyembro ng Lottery team.

Nakabatay ang pagpopondo sa Benta

Tinutukoy ng State Controller’s Office kung magkanong pondo ng Lottery ang inilalabas sa mga pampublikong institusyon sa edukasyon. Nakabatay ang pagpopondo ng Lottery sa Average Daily Attendance (ADA) para sa K-12 at mga community college school district at sa pamamagitan ng full-time na pagkaka-enroll para sa mas matataas na paaralan at iba pang specialized na institusyon. 

Narito ang mga paaralan na nakatanggap ng mga pondo, kasama ng mga porsiyento ng natipong distribusyon:

GRADE LEVEL PORSIYENTO NG DISTRIBUSYON
K-12th Grade 79.9%
Mga Kolehiyo sa Komunidad  14.0%
Sistema ng California State University  3.7%
University of California 2.3%
Iba pang Ahensyang Pang-edukasyon 0.1%



Ang Kontribusyon Namin sa Edukasyon

Tingnan ang aming pinakabagong quarterly na ulat sa ibaba:


Paano Ginagamit ng Mga Paaralan ang Mga Pondo sa Lottery

Ang mga administrador sa mga lokal at mas mataas na edukasyon, kasama ng mga halal na lupon ng paaralan, ay nagpapasya kung paano ibinabahagi at ginagastos ang mga pondo ng Lottery sa loob ng kanilang mga sistema ng paaralan. Mga paaralan ang gumagawa ng lahat na desisyon sa paggastos. Hindi kailanman kasali ang Lottery sa mga desisyong ito. Ilang sa mga paaralan ay ginamit ang mga pondo ng Lottery para sa mga computer lab, workshop ng guro, at mga programa sa agham, pati na rin ang mga programa sa sining at musika at marami pang iba. At bawat taon, malayang gamitin ng mga paaralan ang mga pondo para sa ganap na magkakaibang layunin.

Makita ang mga Pondo ng Lottery na Kumikilos

Sundan kami sa social

Maging bahagi ng komunidad.

Facebook » Instagram » YouTube »

Maging Responsable sa Paglalaro

Huwag hayaang maging problema ang pagsusugal.