Ipinagdiriwang ang Ika-40 Taon na Magkasama

IPINAGDIRIWANG ANG 40 TAONG MAGKASAMA

Ika-40 anibersayo namin! Inaanyayahan kang ipagdiwang ang apat na dekada ng saya at excitement sa Lottery kasama namin! Sumama sa aming buong-taong pagdiriwang sa 2025, habang itinatampok namin ang saya at kasabikan ng paglalaro ng Lottery at nagbabahagi kami ng mahahalagang kaalaman tungkol sa Lottery. Sa inyong tuloy-tuloy na suporta, naisakatuparan namin ang aming misyong magbigay ng dagdag na pondo sa pampublikong edukasyon sa California. Ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa aming mga dedikadong player, masigasig na retailer (kasama na ang 781 retailer na kasama na namin noong umpisa pa lang (PDF)!), kahanga-hangang staff, at masiglang lokal na komunidad—hindi posible ang kamangha-manghang pakikipagsapalarang ito kung wala KAYO!

40th Anniversary Special Games
Ipagdiwang ang 40 years of play sa pamamagitan ng mga espesyal na laro! Sumali sa mga larong ito (at sa higit pang darating sa ngayong taon) para sa tsansang manalo agad-agad, makakuha ng mga multiplier, mga kamangha-manghang pinakamataas na premyo, at higit pa!


40th Anniversary Social Media Giveaway

Lahat ng sumali sa aming ika 40th Anniversary Social Media Giveaway ay nagkaroon ng pagkakataong maging isa sa 40 na makanalo ng California Lottery Anniversary Prize Package.

ALAMIN PA

Ang Kuwento ng Aming Simula

Nagtatanong ka ba kung paano nagsimula ang California Lottery? Panoorin ang video na ito upang malaman ang interesanteng simulain ng Lottery at ang mahahalagang epekto nito sa eduksayong pampubliko ng California, salamat sa mga manlalarong katulad mo!

Mega Millions®: Paglingon sa Nakaraan At Pagtanaw sa Darating Pa

Maraming handog na opsyon ng paglalaro ang Lottery nitong nakaraang 40 taon, kasama na ang popular na jackpot na larong Mega Millions< Alamin pa ang kasaysayan ng Mega Millions at tuklasin ang mga kasiya-siyang bagong feature na ipinakilala noong April 5!


The Big Spin na TV Game Show

Magbalik-tanaw sa alaala at alamin ang tungkol sa “The Big Spin” – ang game show ng California Lottery na tumakbo nang mahigit 23 taon.

Mga Laro Araw-Araw

Sa mga nagdaang taon, nagbigay ang California Lottery ng maraming pagkakataon sa mga player na manalo sa bawat araw ng linggo gamit ang mga laro na may draw araw-araw. Alam mo ba ang pangalan ng UNANG laro na may draw araw-araw na inilabas noong 1990? Panoorin ang video para malaman at alamin ang higit pa tungkol sa mga laro naming pang-araw-araw!


Pambansang Araw ng Loterya

Maligayang Pambansang Araw ng Loterya, California! Samahan kami sa pagdiriwang ng aming mga manlalaro, retailer, at pagsisikap na suportahan ang aming misyon sa nakalipas na 40 taon.

Ipinagdiriwang Naming ang SuperLotto Plus®

Bilang sariling eksklusibong jackpot game ng California, ilang dekada nang tumutupad ng mga pangarap ang SuperLotto Plus. Alamin pa tungkol sa pinakaunang draw game ng Loterya!


Ang Aming Mga Kahanga-hangang Retailer

Hindi sana kami nakapaghatid ng apat na dekada ng kasiyahan sa Lottery kung wala ang suporta ng aming 23,000+ retailer sa buong California. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa amin, nakatulong ang mga negosyong ito sa California Lottery na magbigay ng lampas $48 na bilyong dagdag na pondo para sa pampublikong edukasyon mula noong nag-umpisa kami noong 1985. Espesyal na pasasalamat sa 781 retailers who have been with us from the very beginning (PDF)! Alamin pa ang tungkol sa aming mga kamangha-manghang retailer sa video na ito.

Maligayang Kaarawan California Lottery!

Minarkahan ng October 3, 2025 ang ating opisyal na ika-40 anibersaryo! Sa buong nakalipas na 40 taon, patuloy naming sinusuportahan ang aming misyon ng pagbibigay ng karagdagang pagpopondo sa pampublikong edukasyon ng California, pakikipagtulungan sa mga retailer sa buong estado at paglikha ng mga kakaiba at nakakatuwang laro na gustong laruin ng aming mga manlalaro. Upang markahan ang ating pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo, ibinabalik namin ang aming kauna-unahang larong Scratchers, ang California Jackpot, na bagong reimagined para sa 2025. Pumunta sa isang lokal na retailer ng California Lottery upang laruin ang espesyal na edisyong larong ito, o alinman sa aming iba pang mga laro sa anibersaryo na sasalihan sa mga pagdiriwang! Salamat, California, para sa 40 years of play!


Powerball®: Kasaysayan at Mga Pagkapanalo ng Malalaking Jackpot

Excited kaming i-highlight ang isang paboritong multi-state jackpot game: Ang Powerball. Ang California ang naging ika-43 estado na sumali sa Powerball noong 2013, at sabik na sabik nang maglaro nito ang mga player sa buong Golden State mula noon. Labindalawang taon na ang nakalipas, at mas tumindi pa ang kasabikan, at marami nang naging milyonaryo at bilyonaryo mula sa Powerball dito mismo sa California, kasama ang nanalo ng PINAKAMALAKING jackpot sa Powerball! Alamin pa ang tungkol sa Powerball at sa kasaysayan nito sa California Lottery sa video na ito.

Holiday Scratchers®

Thank you for celebrating 40 years of the California Lottery with us all year long! Since the early 90s, the Lottery has been bringing you festive Holiday Scratchers games, which have become an annual tradition for many who add them to their gatherings, celebrations, and gift-giving. These Holiday Scratchers are the perfect play break from the busy holiday season. Learn more about Holiday Scratchers in this video.