Mga FAQ
Ninety-five cents ng bawat dolyar na ginagastos mo sa mga laro ng California Lottery ay bumabalik sa komunidad sa pamamagitan ng mga kontribusyon sa mga pampublikong paaralan at kolehiyo, mga prize, at bayad sa retail. Tingnan kung paanong nakagagawa ng pagbabago ang mga pondo ng Lottery sa page na Who Benefits.
Oo. Hindi mo kailangang maging residente ng California o U.S. citizen para maglaro at manalo ng anumang Lottery Scratchers® o larong may draw, pero ang mga laro ng California Lottery ay mabibili lang mula sa retailer ng California Lottery sa California.
Gayunpaman, para maging kwalipikadong manalo ng prizes sa pamamagitan ng California Lottery's 2nd Chance Program, dapat ay mayroon kang aktibong 2nd Chance account sa oras ng naaangkop na 2nd Chance drawing.
Kolektahin ang iyong prize na hanggang $599 sa alinmang kalahok na lokasyon ng retail ng California Lottery.
Kolektahin ang iyong prize na $600 o higit pa sa alinmang California Lottery District Office o sa mail. Dalhin ang panalong ticket at pinunan na Claim Form sa isang District Office. Ang mga prize na $1,000 o mas mababa ay kwalipikado para sa same-day payment sa aming siyam na District Office mula 8 a.m. hanggang 4:30 p.m dala ang isang valid at hindi expired na government-issued photo ID.
Para sa mail, i-pick up ang Claim Form sa kahit aling lokasyon ng retail ng California Lottery o District Office, o i-download ang Claim Form (PDF). Ipadala ang Claim Form, nanalong ticket, at Claim Authorization Receipt (kung nasa iyo ito) gamit ang certified mail sa California State Lottery, 730 North 10th Street, Sacramento, CA 95811 at mag-save ng kopya ng bawat item na isinubmit mo.
Para sa mga 2nd Chance prize, kailangan mong mag-download at kumpletuhin ang isang 2nd Chance claim form (PDF), at i-mail ito sa California Lottery, Attn: 2nd Chance Promotion, 700 North 10th Street MS: 2-2, Sacramento, CA 95811-0336.
Pagkatapos maproseso ang iyong Claim Form sa California Lottery Headquarters sa Sacramento, para sa error-free na mga claim makatatanggap ka ng tseke sa mail sa loob ng 4 hanggang 6 na linggo.
Oo. Hinihiling sa California Lottery na mag-withhold ng mga pederal na buwis mula sa iyong prize.
Tandaan na ang mga pederal na buwis ay maaaring magbago. Ang mga state at lokal na buwis ay hindi iwi-withold mula sa iyong mga prize sa California Lottery, ngunit maaari ka pa ring managot para sa anumang mga buwis ng state ng California at lokal ng personal na kita. Matutulungan ka ng isang propesyonal na tagapayo sa buwis na malaman ang kabuuang pananagutan mo sa buwis.
Kung hindi mo mahanap ang verification email ng California Lottery sa iyong inbox, tingnan ang iyong junk/spam folder. Gayundin, idagdag ang California Lottery sa iyong listahan ng mga ligtas na sender para hindi mo ma-miss ang mga email mula sa California Lottery sa hinaharap.
Mag-e-expire ang email-verification link ng California Lottery 24 na oras pagkatapos ipadala ito. Kung nag-register ka para sa iyong 2nd Chance account (o na-update ang email address na kaugnay ng iyong account) nang mahigit 24 na oras bago mo i-click ang verification button, kakailanganin mong humiling ng bagong verification email. Mag-sign in sa iyong account at i-click ang link ng ‘Request a new verification email’ sa pulang banner.
Kung kailangang mo ng tulong, tumawag sa California Lottery Customer Service sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379) Monday hanggag Friday sa pagitan ng 8:00 a.m. at 5:00 p.m., mag-email sa customerservice@calottery.com, o mag-submit ng mga tanong gamit ang form na Makipag-ugnayan sa Amin.
Para matiyak ang integridad ng iyong account, ang California Lottery ay gumagamit ng teknolohiya sa pag-verify ng edad/pagkakakilanlan para patunayan ang mga detalye ng iyong account, tulad ng iyong pangalan, address sa California, at petsa ng kapanganakan. Para makalahok sa mga benepisyo ng nakarehistrong player kagaya ng 2nd Chance, at para kumpirmahin ang pagiging kwalipikado mong manalo sa isang promo o prize ng 2nd Chance, dapat na ibigay ng mga player ang sumusunod na impormasyon:
- Buong legal na pangalan (pangalan at apelyido)
- Valid na address sa California (kabilang ang numero ng apartment, unit, o suite, kung naaangkop)
- Petsa ng kapanganakan (para matiyak na ikaw ay 18 o mas matanda at legal na makakapaglaro ng California Lottery)
Patakaran ng California Lottery na limitahan ang pagkolekta ng personal na information at protektahan ang personal na impormasyon na kinokolekta at nasa pag-iingat namin.
Mag-sign in sa iyong account at pumunta sa My Profile page, pagkatapos ay i-click ang button na Edit My Profile’ at i-update ang iyong impormasyon. Pagkatapos mong i-update ang iyong impormasyon, isumite ang mga pagbabago sa pamamagitan ng pag-click sa button na ‘Save Changes’ sa ibaba ng page.
Kung ia-update mo ang iyong email address, padadalhan ka ng California Lottery ng verification email. Kung hindi mo ito nakikita sa inbox mo, tingnan sa iyong junk/spam folder. Idagdag ang California Lottery sa iyong listahan ng mga ligtas na sender para hindi mo ma-miss ang mga email mula sa California Lottery sa hinaharap. Mag-e-expire ang email-verification link ng California Lottery 24 na oras pagkatapos ipadala ito. Kung mahigit 24 na oras na ang nakalipas mula noong na-update mo ang email address na nauugnay sa iyong account, kakailanganin mong humiling ng bagong email sa pag-verify. Mag-sign in sa iyong account at i-click ang link ng ‘Request a new verification email’ sa pulang banner.
May dalawang opsyon ka: I-suspend ang account mo, o i-delete ang account mo.
- I-suspend - Masu-suspend ang account mo, pero mananatili ang impormasyon mo sa profile - para maaari mong i-activate muli ang account mo kahit kailan mo naisin.
- I-delete - Aalisin ang lahat na impormasyon mo mula sa aming database. Made-delete din ang mga aktibo mong submission sa 2nd Chance draw. Kakailanganin mong gumawa ng bagong account kung gusto mong sumali muli sa 2nd Chance.
Mag-sign in sa iyong account, pumunta sa My Profile page, piliin ang button na ‘Edit My Profile’, pagkatapos ay piliin ang link para sa 'Suspend/Delete My Account.' Sundin ang mga opsyon para sa pag-suspend o pag-delete ng iyong account.
Tandaan na kung tatanggalin mo ang iyong account habang mayroon kang aktibong mga entry sa 2nd Chance, made-delete ang iyong mga entry kasama ng lahat ng iba pang impormasyon ng iyong account.
Kapag na-suspend ang 2nd Chance account mo at gusto mong i-reactivate ito, magpunta sa Sign In page at ilagay ang username at password na kaugnay sa account mo, at sundin ang mga prompt.
Tandaan na kung dinelete mo ang iyong account, ang lahat na impormasyon ng iyong account ay na-delete. Kakailanganin mong gumawa ng bagong 2nd Chance account.
Tawagan ang California Lottery's Security & Law Enforcement Division toll-free sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379) at ibigay ang:
- Pangalan ng retailer, ID number, at/o address
- Petsa at oras ng insidente
- Paglalarawan sa nangyari
Isang ulat ng insidente sa seguridad ang mabubuksan at, depende sa sitwasyon, ang California Lottery ay baka magsagawa ng karagdagang aksiyon.
Kung sa tingin mo maling 2nd Chance prize ang natanggap mo, kontakin ang California Lottery’s Customer Service toll-free sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379) Monday hanggang Friday sa pagitan ng 8:00 a.m. - 5:00 p.m., o mag-email sa customerservice@calottery.com para sa tulong at ibigay ang:
- Iyong pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan
- Pangalan ng Prize/Halaga
- Ticket ID/Entry Code
- Pangalan ng Draw
- Drawing ID (kung naaangkop)