Iwasan ang Mga Scam sa Lottery | Maging Impormado. Maging Alerto.

Umiwas sa Mga Scam sa Lottery

Nais ng California Lottery na tulungan ang mga player na makaiwas sa mga scam sa lottery. Protektahan ang iyong sarili, pamilya, at mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagsangguni sa sumusunod na impormasyon at pananatiling alerto. Mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na mula sa California Lottery, at maging alerto sa fraudulent calls, texts, emails, at mga request para sa fees. Maaaring magpanggap ang mga Lottery fraudster at scam artist bilang mga opisyal ng Lottery o magsabing may koneksyon sila sa mga winner ng Lottery upang magnakaw ng pera o makakuha ng sensitibong personal na impormasyon.

Kung makikipag-ugnayan sa iyo ang California Lottery, babanggitin ng aming mga kinatawan ang mga partikular na detalye ng iyong claim na ikaw at ang Lottery lamang ang nakakaalam, at ididirekta ka namin sa aming official channels para sa verification. Kung mayroon kang anumang tanong o kailangan mo ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa California Lottery Customer Service sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379), Lunes hanggang Biyernes, sa pagitan ng 8:00 a.m. - 5:00 p.m. o mag-email sa customerservice@calottery.com.

Mga Dapat Mong Malaman

  • Kung may kumontak sa iyo na nagsasabing nanalo ka ng premyo sa California Lottery, mag-ingat. Maaaring scam ito. Kabilang sa mga red flag na dapat bantayan ang unsolicited calls, texts, o direct messages na humihingi ng bayad; unofficial emails, numbers, o accounts na walang kaugnayan sa California Lottery; mga request para sa gift cards o money cards kapalit ng mga premyo; at sinumang humihiling na magbayad ka ng fees, taxes, o iba pang charges para makuha ang iyong napanalunan. Hindi kailanman naniningil ang California Lottery ng fees o taxes para mag-claim ng premyo, at hindi rin ito kailanman humihingi ng paunang bayad.

  • Kung may lumapit sa iyo na humihingi ng tulong mo para mag-claim ng premyo sa California Lottery, mangyaring makipag-ugnayan sa California Lottery Customer Service sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379), Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng 8:00 a.m. - 5:00 p.m.

  • Mag-ingat sa mga pekeng tseke. Huwag i-cash ang anumang unsolicited check na sinasabing lottery winnings, at palaging mag-verify bago ito i-cash. Hindi valid ang unsolicited checks at ibabalik ang mga ito dahil sa insufficient funds.

  • Hindi mo kailangang maging residente ng California o U.S. citizen para mag-claim ng premyo sa California Lottery. Kahit sino ay maaaring mag-claim ng premyo sa California Lottery, anuman ang residency o citizenship status. Para sa higit pang impormasyon at para i-download ang claim form, mangyaring bisitahin ang aming Claim A Prize page.

  • Huwag kailanman magbahagi ng credit card information, bank account information, Social Security numbers, o iba pang sensitibong personal na impormasyon sa sinumang nagsasabing nag-aalok ng Lottery prizes. Madalas na nagbibigay ang Lottery fraudsters at scammers ng online claim forms upang subukang makuha ang impormasyong ito, o hinihingi nila ang impormasyong ito sa telepono.

  • Huwag kailanman mag-redeem ng Lottery ticket para sa taong hindi mo kilala. Huwag kailanman magbayad sa taong nag-aalok na magbenta ng "winning ticket."

  • Palaging i-verify ang halaga ng napanalunang premyo bago i-claim ang iyong premyo gamit ang Check-A-Ticket feature sa California Lottery Official Mobile App  o gamitin ang Check-A-Ticket machine sa isang lokal na Lottery retail location.

  • Bumili lamang ng mga Lottery ticket mula sa isa sa mahigit 23,000 na awtorisadong retailer sa California. Hindi awtorisadong ibenta online o sa pamamagitan ng mobile apps ang mga California Lottery game.

  • Kung sa palagay mo ay naging biktima ka ng fraud, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong lokal na law enforcement agency. Inirerekomenda rin namin na makipag-ugnayan ka sa Federal Trade Commissionna maaaring magtalaga ng case number upang maimbestigahan ang iyong claim. Kung online naganap ang hinihinalang fraud, maaari mo ring abisuhan ang Internet Crime Complaint Center (IC3)ng FBI sa pamamagitan ng paghahain ng complaint sa kanilang website.

Huwag Magpaloko sa Mga Scam

Mag-ingat sa mga taong nagpapanggap na taga-California Lottery. Panoorin ang video para malaman kung paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili laban sa mga scammer na tina-target ang mga California player.

Mag-claim ng Premyo

Alam mo bang hindi mo kailangang maging residente ng California o U.S. citizen para mag-claim ng lottery prize? Panoorin ang video para malaman pa kung paano mag-claim ng mga premyo at makahanap ng helpful resources.