PAGBE-VERIFY NG IYONG ACCOUNT

Mga Instruksyon sa Manu-manong Pag-verify

Para ma-verify ng Lottery ang pagkakakilanlan at/o address mo, magpadala ng kopya ng isang dokumento mula sa bawat listahan sa ibaba, kasama ang email address na ginagamit mo para sa 2nd Chance account mo, sa:

California State Lottery—Attn: Customer Service, 730 North 10th Street, Sacramento, CA 95811.

 

Mga dokumento na pagkakakilanlan

  • State-issued na driver’s license
  • Pasaporte
  • State-issued na ID card
  • Travel visa
  • Permanent resident card
  • Birth certificate
  • Marriage certificate
  • Certificate ng opisyal na pagbago sa pangalan
  • Tribal identification
  • Certificate ng naturalization o citizenship
  • U.S. Government employee identification

Mga dokumento para sa pag-verify ng address

  • Utility bill
  • Renter’s agreement
  • Mortgage statement

Paano kung binago ko ang pangalan ko?

Kung binago mo kamakailan ang pangalan mo, inirerekomenda naming maghintay hanggang sa nasa government-issued ID mo na ang bagong legal na pangalan mo. O, sundin ang instruksyon sa itaas para sa mano-manong pag-verify at tiyaking makikita sa dokumentasyon ng pagkakakilanlan mo, gaya ng marriage license mo, ang binagong pangalan mo.

Gaano katagal bago manu-manong ma-verify ang account ko?

Karaniwan na, ang manu-manong pag-verify ay umaabot nang mga 10 business day. Para mapanatili kang ligtas, sisirain namin ang mga dokumento mo kapag tapos na kami. 

Paano kung may mga karagdagang tanong ako?

Tumawag sa California Lottery Customer Service sa 1-800-LOTTERY (1-800-568-8379) Monday hanggang Friday sa pagitan ng 8:00 a.m. - 5:00 p.m., mag-email sa customerservice@calottery.com, o mag-submit ng mga tanong gamit ang form ng Makipag-ugnayan sa Amin.