Holiday Scratchers® 2nd Chance na Bonus Draw
Hanggang January 11, magkakaroon ka ng apat na pagkakataong isali ang mga non-winning Holiday Scratchers mo sa Holiday 2nd Chance Bonus Draw para sa pagkakataon mong manalo ng isang holly jolly na cash prize!
Mga premyo:
Magkakaroon ng apat na draw na may isang mananalo ng $20,000 sa kada draw — na may kabuuang $80,000 na mga cash prize!
Mga Panahon ng Entry:
- Draw #1: October 20, 2025 – November 10, 2025
- Draw #2: November 11, 2025 – November 30, 2025
- Draw #3: December 1, 2025 – December 22, 2025
- Draw #4:December 23, 2025 – January 11, 2026
Sa anong mga kwalipikadong non-winning Holiday Scratchers ticket para sa promo na ito?
Season's Greetings ($1) — Pasiglahin ang kapaskuhan sa larong ito na nagsisilbing tag ng regalo na may anim na eksena ng kasiyahan at pagkakataong manalo ng hanggang $5,000.
Happy Holidays ($5) — Pagandahin ang iyong pagbibigay ng regalo sa kapaskuhan na ito gamit ang makinang na larong ito na maaari ring gamitin bilang tag ng regalo na may pagkakataong manalo ng hanggang $250,000.
Merry Multiplier ($10) — Gawing mas masaya ang kapaskuha na ito sa nakagigitlang larong ito na nag-aalok ng hanggang 20 pagkakataong manalo kaagad, hanggang 10X na multiplier ng premyo, at pagkakataong manalo ng hanggang $1,000,000.
Celebrate 2026 ($25) — Salubungin ang 2026 sa malaking paraan na may hanggang 34 na pagkakataong manalo. Nagiging mas kapana-panabik ang pangako ng bagong taon sa larong ito na nag-aalok ng hanggang 50X na multiplier ng premyo, awtomatikong panalo, at isang pagkakataong manalo ng hanggang $7,500,000.
Hindi pa nakarehistrong 2nd Chance player?
California Lottery®
2025 Holiday Scratchers® 2nd Chance Bonus Draw
Mga Opisyal na Panuntunan
Layunin
Ang California Lottery ay nagsasagawa ng 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw para sa mga nakarehistrong 2nd Chance na player bilang isang insentibo para sa mga player na bumili ng Holiday Scratchers (Season's Greetings #1697, Happy Holidays #1698, Merry Multiplier #1699, at Celebrate 2026 #1700).
Panahon ng Promo
The Magsisimula ang 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw sa October 20, 2025 at magwawaks sa January 11, 2026 sa ganap na 11:59 pm Pacific Time.
Pinanghahawakan ng California Lottery ang karapatan na wakasan o palawigin ang promo na ito anumang oras.
Prize
Magkakaroon ang promo ng kabuuang apat (4) na mananalo at premyong may kabuuan na $80,000.
- Isang (1) mananalo ng $20,000 | Draw #1: 10/20/2025 – 11/10/2025
- Isang (1) mananalo ng $20,000 | Draw #2: 11/11/2025 – 11/30/2025
- Isang (1) mananalo ng $20,000 | Draw #3: 12/1/2025 – 12/22/2025
- Isang (1) mananalo ng $20,000 | Draw #4: 12/23/2025 – 1/11/2026
Posibilidad na manalo
Nakabatayang posibilidad na manalo ng premyo sa kabuuang bilang ng mga entry na natanggap at kabuuang bilang ng mga entry na isusumite ng bawat player.
Pagiging Karapat-dapat at Paglahok
Ang mga player ay dapat na hindi bababa sa 18 taong gulang. Dapat masapatan ng mga player ang mga rekisito sa pagiging karapat-dapat sa oras ng draw ng promo. Para makasali sa 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw, ang mga player ay dapat magparehistro sa Website ng California Lottery. Kapag nagrerehistro, ang mga player ay dapat magbigay ng wastong address sa California. Ang mga pagsusumite ay dapat ipasok mula sa isang lokasyon sa loob ng California upang maging karapat-dapat para sa 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw. Ang mga player ay dapat magbigay ng totoo at kasalukuyang impormasyon. Dapat ibigay ng player ang kanilang tunay, buong legal na pangalan kapag nagrerehistro para sa 2nd Chance program. Ang pagkabigong magbigay ng buong legal na pangalan sa pagpaparehistro ay gagawing hindi karapat-dapat ang player na makatanggap ng mga premyo mula sa California Lottery. Sa 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw, tanging ang taong kinilala sa pangalan bilang ang Nanalo sa website ng California Lottery sa oras na nai-post ang pangalan ng Nanalo, na ibinibigay ng player sa panahon ng pagrehistro, ang maaaring mag-claim ng premyo mula sa California Lottery. Anumang pagbabago sa pangalan, dahil man sa kasal o kung hindi man, ay dapat ipakita sa pahina ng pagpaparehistro ng California Lottery bago ang draw upang maging karapat-dapat para sa anumang premyo. Ang mga taong nagparehistro na may gawa-gawang pangalan ay hindi karapat-dapat na manalo ng anumang premyo. Ang 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw ay hindi bukas sa ilang California Lottery vendor o empleyado ng California Lottery, kanilang mga ahente, at ilang miyembro ng pamilya na naninirahan sa parehong sambahayan alinsunod sa Mga Regulasyon ng California Lottery.
Paano Sumali
Para sumali sa 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw, dapat na mag-log in ang mga player sa kani-kanilang mga na-verify na account sa California Lottery 2nd Chance o lumikha ng na-verify na account sa California Lottery para makasumite ng isang 2nd Chance code. Anumang kwalipikado, at non-winning 2025 Holiday suite ng Scratchers ticket(Season’s Greetings #1697, Happy Holidays #1698, Merry Multiplier #1699, and Celebrate 2026 #1700) ay maisasali sa promo sa pamamagitan ng mano-manong pagsumite sa 2nd Chance o sa pamamagitan ng pag-scan sa bawat kwalipikado, at non-winning barcode gamit ang California Lottery Official Mobile App. Makatatanggap ang mga player ng karaniwang bilang ng mga entry batay sa presyo ng pagbili (hal., ang $5 na ticket ay tatanggap ng 5 entry) para sa bawat kwalipikado, at non-winning 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance code na naisumite.
Lahat ng isinumiteng 2nd Chance code ay limitado sa hindi hihigit sa 500 pinagsama-samang isinumiteng code kada buwan ng kalendaryo sa kada kalahok. Ang pagpasok ng isang code ay ipinapalagay na isang pagsumite; gayunpaman, ang mga pagsumite na nag-aalok ng maramihang entry ay nabibilang na isang pagsumite lang anupaman ang bilang ng mga kaugnay na entry.
Mga Draw
Apat (4) na magkakahiwalay na draw ang isasagawa sa panahon ng promo. Ang bawat draw ay gaganapin ayon sa sumusunod na schedule, na ang mga entry para sa bawat draw ay eksklusibo at hindi gugulong sa mga susunod na draw.
- Draw #1: 10/20/2025 – 11/10/2025
- Draw #2: 11/11/2025 – 11/30/2025
- Draw #3: 12/1/2025 – 12/22/2025
- Draw #4: 12/23/2025 – 1/11/2026
Ang mga karapat-dapat, at non-winning 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance code ay dapat isumite sa panahon ng partikular na draw para maging kwalipikado sa pagsali sa partikular na draw na iyon para sa 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw. Magaganap ang bawat draw sa loob ng labinlimang (15) araw pagkaraang magwakas ang panahon ng tinukoy na draw na may mga alterntibong binunot sakaling madiskwalipika ang nanalo. Magaganap ang mga draw alinsunod sa mga Regulasyon at pamamaraan ng California Lottery. Lahat ng karapat-dapat, at non-winning 2025 Holiday Scratchers na 2nd Chance code na isinumite sa mga draw ay awtomatiko rin na isasali sa regular na Scratchers 2nd Chance Weekly Pool Draw na nalalapat.
Mga Notipikasyon ng Nanalo at Mga Claim
Ipapaskil ang mga nanalo sa 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw sa website ng California Lottery sa loob ng dalawampung (20) araw pagkalipas ng deadline ng mga entry para sa nalalapat na draw. Sapalarang pipili ang California Lottery ng mga alternatibong mananalo mula sa mga kwalipikado na 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw. Gamit ang impormasyon ng contact na ibinigay sa California Lottery ng nanalo, aabisuhan ng California Lottery ang mananalo sa pamamagitan ng e-mail na mag-login sa kaniyang account para sa “important information.” Sa pag-login sa kaniyang California Lottery account, aabisuhan ang nanalo tungkol sa napanalunang premyo. Dapat na magsumite ang nanalo ng isang 2nd Chance Claim Form alinsunod sa mga Regulasyon at pamamaraan ng California Lottery. Sa pangyayaring hindi i-claim ng nanalo ang kaniyang premyo sa loob ng 180 araw mula sa petsa ng ‘Winners Posted By’, tatalikdan ng nanalo ang lahat na karapatan sa premyo.
Mga Karagdagang Tuntunin
Responsibilidad ng mga player na sundin ang Mga Opisyal na Panuntunan bilang karagdagan sa mga batas ng estado at pederal at Mga Regulasyon ng California Lottery. Dapat na magbigay ng katibayan ng edad, pagkakwalipikado, at pagkakakilanlan kapag hiningi ito. Sumasang-ayona ng mga player sa paggamit ng California Lottery ng kanilang pangalan, wangis, litrato, kuwento, at bayan para sa mga layuning pang-advertising at publisidad, nang walang bayad. Lahat ng buwis ay natatanging responsibilidad ng nanalo na nasasailalaim sa mga nalalapat na rekisito sa Federal withholding. Sa paglahok sa programa, at/o pagtanggap ng anumang premyo o gawad ng promo, sumasang-ayon ang mga player at di-panghahawakang may-sala ang California Lottery at mga commissioner nito, mga empleyado, ahente, at mga opisyal mula sa anumang paghahabol, demanda, hatol, gawad, at/o pananagutan na anuman ang uri. Pinanghahawakan ng California Lottery ang karapatan na baguhin o wakasan ang program na ito anumang oras. Sa pangyayaring may salingatan, Mangingibabaw ang Mga Opisyal na Panuntunan na ito sa anumang nalalapat na pangkalahatang panuntunan o advertisement ng California Lottery.
California Lottery®
2025 Holiday Scratchers® 2nd Chance Bonus Draw
Mga Madalas Itanong
Q: Kailan magsisimula at magtatapos ang 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw?
A: Ang 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw ay magsisimula sa October 20, 2025 at tatakbo hanggang January 11, 2026 sa 11:59 pm Pacific Time. Sa panahon ng promo, magkakaroon ng apat (4) na indibidwal na draw na may mga sumusunod na panahon ng entry:
- Draw #1: 10/20/2025 – 11/10/2025
- Draw #2: 11/11/2025 – 11/30/2025
- Draw #3: 12/1/2025 – 12/22/2025
- Draw #4: 12/23/2025 – 1/11/2026
Q: Ano-ano ang mga premyo?
A: Ang promo ay nag-aalok ng kabuuang $80,000 na mga premyo, na may apat (4) na mananalo at bawat isa ay tatanggap ng $20,000.
Q: Aling mga Scratchers ticket ang maisasali sa Promo?
A: Maisasali ang anumang kwalipikado, at non-winning 2025 Holiday Scratchers ticket sa promo sa pamamagitan ng mano-manong pagsumite sa 2nd Chance o sa pamamagitan ng pag-scan sa bawat nararapt, at non-winning barcode gamit ang California Lottery Official Mobile App. Ang mga 2025 Holiday Scratchers ay:
- $1 – Season’s Greetings (#1697)
- $5 – Happy Holidays (#1698)
- $10 – Merry Multiplier (#1699)
- $25 – Celebrate 2026 (#1700)
Q: Gaano karaming entry ang maaaring matanggap ng mga player?
A: Makatatanggap ang mga player ang makatatanggap ng mga entry batay sa presyo ng pagbili (hal., ang $10 ticket ay tatanggap ng 10 entry) para sa bawat kwalipikado, at non-winning 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance code na naisumite.
Q: Gaano karami ang maisusumite ng mga player sa mga non-winning 2nd Chance code?
A: Ang bawat 2nd Chance account ay magiging limitado sa hindi lalagpas sa pinagsamang 500 na naisumiteng code kada buwan ng kalendaryo. Ang pagsali ng isang code ay ituturing na isang pagsumite; ang mga pagsumite na nag-aalok ng maramihang entry ay mabibilang na isang pagsumite lang anupaman ang bilang ng mga kaugnay na entry.
Q: Bilang karagdagan sa 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw, awtomatikong bang isasali sa regular na Scratchers 2nd Chance Weekly Pool Draw ang mga player?
A: Oo. Pagkaraang isumite ang isang kwalipikado na ticket, awtomatikong isasali ang mga player sa regular na Scratchers 2nd Chance Weekly Pool Draw. Para maging kwalipikado para sa draw ng kasalukuyang linggo, dapat isumite ng mga player ang kanilang mga nararapt, at non-winning 2nd Chance code nang online bago mag-Sabado ganap ma 11:59 pm o magiging kwalipikado sila para sa draw ng susunod na linggo. Ang bawat pagsumite ay magagamit lang para sa isang weekly draw.
Q: Saan matitingnan ng mga player kung gaano karaming entry ang naisumite sa Scratchers 2nd Chance Weekly Draw at/o sa 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw?
A: Sa sandaling naka-login sa kani-kanilang My Account ang mga player, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
1. Mag-click sa link na “My Submissions”.
2. I-verify ang pagsumite ng 2nd Chance code.
3. Mag-click sa 2nd Chance code para tingnan ang mga detalye sa kung gaano karaming entry ang naisumite para sa Scratchers 2nd Chance Weekly Draw at/o 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw.
Q: Kailan ang mga draw para sa mga premyo?
A: Magaganap ang mga draw sa loob ng labinlimang (15) araw pagkalipas ng deadline para sa mga entry ng bawat draw gaya ng nakalista sa ibaba at magaganap ito alinsunod sa Mga Regulasyon at panuntunan ng California Lottery :
- Draw #1: 10/20/2025 – 11/10/2025
- Draw #2: 11/11/2025 – 11/30/2025
- Draw #3: 12/1/2025 – 12/22/2025
- Draw #4: 12/23/2025 – 1/11/2026
A: Ipapaskil ang mga nanalo sa 2025 Holiday Scratchers 2nd Chance Bonus Draw sa website ng California Lottery sa loob ng dalawampung (20) araw pagkalipas ng deadline para sa mga entry. Ganmit ang impormasyon ng contact na ibinigay ng mga nanalo sa California Lottery, magpapadala ang California Lottery ng email sa mga nanalo tungkol sa isinumite nilang 2nd Chance, na magtatagubilin sa kanila na mag-log in sa kanilang account sa lalong madaling panahon para sa mga karagdagang detalye. Sa kanilang pag-log in, aabisuhan ang mga nanalo tungkol sa napanalunang premyo.
Q: Paano maki-claim ang mga premyo?
A: Sundin ang mga hakbang na ito sa 2nd Chance Claim Process para mapunan ang form.
Q: Ano ang mangyayari kung hindi ma-claim ang mga premyo sa loob ng 180 araw mula sa petsa ng ‘Winners Posted By’?
A: Kung mabigo ang nanalo na i-claim ang kaniyang premyo sa loob ng 180 araw mula sa petsa ng ‘Winners Posted By’, tatalikdan ng nanalo ang lahat na karapatan sa premyong iyon.
Q: Paano kung marami pang katanungan ang mga player?
A: Mag-email sa customer service ng Lottery sa customerservice@calottery.com. Isang kinatawan ang tutugon sa loob ng tatlong (3) araw ng negosyo.